Saturday, August 28, 2004
BLaMe iT oN tHe WeaTHeRmAn..

sungit ng panahon ng nakaraang dalawang araw.. suspended mga klase.. kahit na di ko aminin ay natuwa ako sa nangyari.. pahinga ng kahit 2 araw lang.. but still, can't help feeling sorry for those who got really affected sa bagyo.. i dunno.. but somehow.. rain makes me feel good.. i find some inner peace (for some reasons i can not explain) everytime i hear the rain..

nyways.. here's something to read.. courtesy of a certain roni_bats.. salamat..



Saan ka nga ba maaaring magsimula?

Sa simula? Naaalala mo pa ba ang simula? Hindi na. Gaano man kahiwaga, ang simula ay nalilimot, nawawalan ng saysay dahil sa napipintong katapusan. Makabubuti lamang ang pag-uungkat sa nakaraan kung may bukas na yayapos sa iyo upang pawiin ang pangamba. Dahil kung wala, ang tanging magagawa ng simula ay ipaalala ang simula ng wakas.

Simulan mo kaya sa dahilan? Hindi rin pwede. Ang pinanghahawakan mo lang ay ang sino, ano, saan at kailan. Sadyang mailap ang bakit; may mga bagay na habang pilit iniintindi ay lalong nagiging mahirap maunawaan. O baka naman nasa harap mo na ang sagot. Ayaw mo lang itong paniwalaan kaya't pilit mong isinasantabi ang tanong na bumabagabag sa iyo. Hindi mo masisisi ang iyong sarili. Mahirap tanggapin na ang mga katotohanang nagpasaya sa mga araw mo ay panggagago.

Kung gayon, bakit hindi mo simulan sa ulan? Sa ulang hindi mo naman hiniling at dumating sa panahong hindi mo inaasahan. Sa ulang nagpakita sa iyong maaari kang tumingala sa langit at tumayo sa gitna ng kalsada, habang nilulunod ng mga patak ng tubig ang iyong kasuotan at mga gamit.

Tama. Sa ulan. Binago ka ng ulan.

Itinuro sa iyo ng ulan na ang mga tao sa buhay mo ay darating at aalis kung kailan nila gusto. Wala kang magagawa. Hindi mo sila mapipilit na manatili. Hindi mo sila mapipigilang lumisan. Titila ang bawat ulan. Hindi nito sasabihin kung kailan, pero mararamdaman mo ang paglumanay ng hangin at ang paghawi ng mga ulap.

Ang maiiwan ay ikaw... at isang puwang.

Ang pangungulila ay hindi nag-uugat sa paglisan, kundi sa pamamaalam. Ang isang taong pinahahalagahan mo ay maaaring magpaalam nang hindi umaalis, subalit maaari rin siyang umalis nang hindi nagpapaalam. Paunti-unti. Dahan-dahan. Patuloy ang pagtakbo ng buhay sa kanya, habang sa iyo, dumarating sa bawat araw ang kapiraso ng wakas.

Minsan tuloy, naiisip mong mas maigi pang matapos na lang ang lahat sa simula. Nang sa gayon, walang pinagkatagu-tagong text message na kailangang burahin, walang mga sandaling dapat ibaon sa limot at walang puwang na palalalimin ng pangungulila.

Nakapapagod maghintay kung kailan muling mapupunan ang puwang na tanging ikaw ang nakadarama. Mas madali itong pag-ipunan ng galit at pagkamuhi.

Pero hindi mo gagawin iyon. Hahayaan mo lang na dumaloy sa iyong pisngi ang mga luha at kahuli-hulihang patak ng ulan. Alinman ang unang maubos, ikaw ay patuloy na tatayo sa gitna ng daan.

Maghihintay. Aasa.

Dahil kahit maging balewala ka na sa isang tao, mananatili siyang importante sa iyo.

patuloy na bubuhos ang ulan ng mga alaala... ngunit di na ko mag aabala pang sumilong sa lilim ng pag asa.. dahil sa kabila ng sakit at lamig na dulot nito, patuloy ko pa ring hahanapin ang ginhawang minsa'y idinulot nito sa natuyot kong mundo..

hanggang sa muli..


 


 


Posted at 09:52 pm by liturgyOFdeath

 

Leave a Comment:

Name


Homepage (optional)


Comments







Previous Entry Home Next Entry
 

"TiNToY'S HaVeN"


   





 
<< August 2004 >>
Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat
01 02 03 04 05 06 07
08 09 10 11 12 13 14
15 16 17 18 19 20 21
22 23 24 25 26 27 28
29 30 31

I'm Sick of Painting in Black and White. My Pen is dry, now I'm uptight. So sick of limiting myself to fit your definition. Redefine.
~Redefine~



Christina R. Lim, labing siyam na taong gulang, babae, ipinanganak noong ika-25 ng Oktubre, ng taong mil nwebe syentos otsenta y cuatro, bunso sa apat(o lima?) na magkakapatid, tubong Zambales, kasalukuyang binubuno ang ikatlong antas ng kolehiyo sa
Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas sa kursong Sikolohiya, di palabasa kung kaya walang gaanong laman ang utak kundi mga bagay na bigla na lang sumusulpot mula sa kawalan.

ABSOLUTELY (Story Of A Girl)

Nine Days


This is the story of a girl
Who cried a river and drowned the whole world
while she looks so sad in photographs
I absolutely love her
When she smiles

And how many days in a year?
She woke up with hope but she only found tears
And I can be so insincere
Making her promises never for real
As long as she stands there waiting
Wearin' the holes in the soles of her shoes
How many days disappear?
You look in the mirror, so how do you choose?

Your clothes never wear as well the next day
And your hair never falls in quite the same way
But You never seem to run out of things to say

This is the story of a girl
Who cried a river and drowned the whole world
while she looks so sad in photographs
I absolutely love her
When she smiles

How many lovers would stay?
Just to put up with this shit every day and all day
How did we wind up this way?
Watchin' our mouths for the words that we say
As long as we stand here waitin'
Wearin' the clothes of the souls that we choose
How do we get there today?
When we're walkin' too far for the price of our shoes

Your clothes never wear as well the next day
And your hair never falls in quite the same way
But you never seem to run out of things to say

This is the story of a girl
Who cried a river and drowned the whole world
while she looks so sad and lonley there
I absolutely love her
When she smiles

And your clothes never wear as well the next day
And your hair never falls in quite the same way
But you never seem to run out of things to say

This is the story of a girl
Who cried a river and drowned the whole world
And while she looks so sad in photographs
I absolutely love her

This is the story of a girl
Her pretty face she hid from the world!
And while she looks so sad and lonely there
I absolutely love her

This is the story of a girl
Who cried a river and drowned the whole world
while she looks so sad in photographs
I absolutely love her
When she smiles

When she smiles





 
Contact Me

If you want to be updated on this weblog Enter your email here:




rss feed