 |
|
Monday, October 04, 2004
"confessions of a psycho-drama queen"
my condolences goes out to a friend.. she just lost her father last week.. mild stroke lang daw na lumala ang dahilan.. nung makita ko sya sa school, gusto ko sana sabihing "tol, welcome to the club"... kung di lang ako binatukan isa pa naming kaklase..:D and then we had the chance to talk after the chem class.. i can see that she's really in pain.. usap usap lang kami.. then sabi nya sa kin, "buti ka pa, bata ka pa nung mawala tatay mo.. at least, di mo pa alam un, di pa ganun kasakit." napatigil lang ako.. at napaisip.. usap uli.. kahit na kalahati't isa ng utak ko, lumilipad sa dako paroon.. tinatangay ng kawalan kung saan musmos pa ko..
binilang kung ilang taon ko nang di naranasan ang pagpatay ng kandila sa cake tuwing bday ko.. maraming bata sa paligid, lahat nakangiti.. at ako.. ako ang bida sa lahat.. nakasuot ng magandang magandang damit.. ang saya saya nun.. lahat nandoon.. pero di pala.. bakit wala si papa? tuloy lang.. ang saya saya.. natapos ang sandali ng tila walang hanggang kaligayahan.. syempre pa, isa lang ang hinanap ko.. ang taong syang nasa likod ng lahat ng ito.. ngunit tila isang paggising mula sa isang napakagandang panaginip, isang reyalisayon, ang hangin ay napuno ng kalungkutan.. di ko alam kung ano ang nangyari nung mga panahon na yon.. ang natandaan ko na lang ay ng mapunta kami sa lugar kung saan puting puti ang paligid pati na rin ang mga taong nakapaligid.. ngunit sa kabila niyon, alam ko.. malubha sya.. sa mismong kaarawan ko pa.. ilang araw ang dumaan.. namalayan ko na lang na nasa isang lugar kami kung saan maraming tao.. may bulaklak pa.. at nakita ko syang nakahimlay sa isang magandang kahon? tandang tanda ko pa ang amoy ng silid na yon.. dahil sa tuwng maamoy ko yun ay kasabay ng pagragasa ng mga alaala.. (ganun ako.. naaalala ko ang mga nangyari sa pamamagitan ng amoy na naamoy ko nung mangyari ang nasabing pangyayari..hehehe.. gulo ko no?) un.. enough of that..
*ting* balik sa present.. naisip ko lang.. swerte nga kaya ako dahil maaga nawala erpats ko? tingin ko inde rin.. swerte bang maituturing ung sa tuwi na lang na makikipag away ka sa kaklase mo ay wala kang maipananakot na tulad ng ganito.." kala mo ha..! isusumbong kita sa tatay ko!!" swerte nga bang maituturing yung sa tuwi na lang may project kami nun sa home economics (e.g. paggawa ng dust pan, sandok at kung ano ano pa) eh walang tatay na pwedeng magturo sa kin na ang martilyo pala ay di ginagawang parang nailcutter ng kuko..(madalas akong mapukpok ng martilyo sa kamay noon eh.. hehehe) at higit sa lahat.. swerte nga bang maituturing yung sa tuwi na lang may family day sa school ay di ka nakakaattend dahil sa wala kang tatay at ang nanay naman ay di na rin nag aabala sa pagpunta dahil di nga naman kayo kumpleto.. kung swerte ngang matatawag yun.. siguro nga'y nasalo ko na lahat nang swerte na binabanggit sa feng shui..
iba pa rin yung may nagisnan kang ama.. laging gumagabay sayo.. yung bang tipong lagi kang may inaabangan pagdating nang dapithapon.. dadalhan ng tsinelas.. magtatanong ng pasalubong... kkwentuhan ng kung ano nangyari sa school.. tapos tatanungin ka nya kung ano assignments nyo..
kung ako papipiliin.. mas gusto ko pa rin na nakasama ko pa sya ng matagal.. alam kong masakit ang oras ng paghihiwalay.. pero lahat naman lumilipas diba? gusto kong sabihin sa kaibigan ko na if i were given the chance, mas pipiliin ko ang lugar na kanya.. nawalan man siya ng ama, lilipas din ang lahat ng sakit.. pero hinding hindi ang mga magagandang alaala na naranasan nya sa piling nito..
Posted at 07:19 pm by liturgyOFdeath
eto tingin nila
Tuesday, September 14, 2004
Parang idinulot ng salamangka ang ating pagtatagpo. Mula sa salasalabid na mga sinulid ng Web, ikinulong tayo ng YM sa isang silid na sinarili natin.
Sa lambong ng kawalang-pagkakakilanlan, naghingahan tayo ng mga tagong hinanakit at nagpatayugan tayo ng hugis sa ating mga dakilang pangarap. Sa proseso’y patuloy tayong naghabi ng mga titik na naging mga salita’t mga pangugusap na sapat upang tayo’y magpatuloy.
At ang mga titik ay naging tinig—matamis na tinig na aking kinasanayan at inasam-asam sa bawat kiriring ng munti kong telepono. Naging oyayi para sa akin sa pagdatal ng madaling araw ang mga awit mong pilit. Sa gitna ng patuloy na palitan ng mga kuwento ng kasayahan at kasiphayuan at sa pagitan ng mga hikbi’t halakhak, lalong umunlad ang musika ng ating elektronikong pagkakaibigan.
At ang tinig ay nagkaroon ng mukha.
Nagdadala ng pagkabagabag ang iyong presensya. Pakiramdam ko, malapit mo nang sakupin pati ang daigdig ng aking mga panaginip na naka-encode sa HTML format, ngunit tila sigaw na nagtataboy ng antok ang iyong mga bulong.
Nahuhulog na yata ako. Ngunit natatakot akong bumagsak sa Net na puno ng sapot ng kabiguan, sapagkat ang salamangka ay maaring mawala sa isang iglap lamang. Natatakot akong sa aking pagkahulog ay wala ka at magigisng na lamang akong nag iisa lamang pala akong nangarap na mahulog sa inaakala kong kaygandang panaginip.. oo panaginip lamang marahil..
Bagamat pansamantalang pinagsanib ng Web ang magkaiba nating daigdig, dagliang itong nagwakas sa sandaling tayo’y ma-disconnect. Oo nga’t pinagdugtong ng mga kawad ng telepono ang ating mga tinig, ang ugnaya’y agad ring napapatid sa sandaling ibaba natin ang awditibo ng telepono. At naging parmanente ang ating mga pansamantalang “Good bye”.
Naging ilusyon maging ang aktwal na pagsasama sapagkat ang ating diwa’y hindi nagkakasalubong. Lalong pinatitindi ng realidad ang distansyang namamagitan at nang mga damdaming walang kasiguraduhan.
Inakala kong may patutunguhan ang virtual nating pagkakaibigan. Akala ko, ang bawat hello, ang bawat awit, ang bawat hagikhik ay pwede kong i-download at i-save sa server ng aking puso.
Ngunit hindi at hindi maaari.
Oo nahulog na ko. At nangyari ang kinatatakutan kong pagbagsak sa Net na puno ng sapot ng kabiguan.
Magdi-disconnect na ba ko?=(
Posted at 06:30 pm by liturgyOFdeath
eto tingin nila
Tuesday, September 07, 2004
long time no write here.. nyways.. minsan kasi.. namomroblema ako sa kung ano isusulat ko.. i guess the problem with me is i always look up to what others might say 'bout me.. yeah.. naisip ko, i should write what i want to.. not what others want me to.. well, i might do that.. the hell what others might think bout me..
well, it all started siguro nung bata pa ko.. i was always been told what to do.. never allowed to say what i feel.. only taught to listen, not to speak.. hanggang ngaun, nagssuffer pa rin ako.. can't express my ideas and feelings.. so afraid to be criticized.. don't want to be like this habang buhay.. hay.. hope ma overcome ko to.. nyways.. tapos na rin ang sobrang hectic na mga weeks.. we're now looking forward to our final examinations.. sana matapos na..
share ko lang itong song na 'to... reminds me of someone.. luv this song..
When I See You Smile
Sometimes I wonder how I’d ever make it though
Through this world without having you
I just wouldn’t have a clue
Caus sometime it seems like this world’s closing in on me
And there’s no way of breaking free
And then I see you reach for me
Sometimes I wanna give up, wanna give in, I wanna quit the fight
And then I see you baby, and everything’s alright, everything’s alright
When I see you smile, I can face the world ooh
You know I can do anything
When I see you smile, I see a ray of light ooh
I see it shining right through the rain
When I see you smile
Baby when I see you smile at me
Oh yeah
Baby there nothing in this world that could ever do, what the touch of your hand can do
It’s like nothing that I ever knew
And when then rain is falling, I can feel it, cause you’re here with me now
And one look at ya baby
It’s all I’ll ever need
It’s all I’ll ever need
When I see you smile, I can face the world ooh
You know I can do anything
When I see you smile, I see a ray of light ooh
I see it shining right through the rain
When I see you smile
Baby when I see you smile at me
Sometimes I wanna give up, I wanna give in, I wanna quit the fight
Then one look at ya baby and everything’s alright, yeah, everything’s alright
So right
When I see you smile, I can face the world ooh
You know I can do anything, yeah
When I see you smile, I see a ray of light ooh
I see it shining right through the rain
Yeah
When I see you smile, yeah I can face the world ooh
You know I can do anything
When I see you smile, oh yeah, baby when I see you, smile
Smile at me
at me.
Posted at 07:05 pm by liturgyOFdeath
eto tingin nila
Saturday, August 28, 2004
BLaMe iT oN tHe WeaTHeRmAn..
sungit ng panahon ng nakaraang dalawang araw.. suspended mga klase.. kahit na di ko aminin ay natuwa ako sa nangyari.. pahinga ng kahit 2 araw lang.. but still, can't help feeling sorry for those who got really affected sa bagyo.. i dunno.. but somehow.. rain makes me feel good.. i find some inner peace (for some reasons i can not explain) everytime i hear the rain..
nyways.. here's something to read.. courtesy of a certain roni_bats.. salamat..
Saan ka nga ba maaaring magsimula?
Sa simula? Naaalala mo pa ba ang simula? Hindi na. Gaano man kahiwaga, ang simula ay nalilimot, nawawalan ng saysay dahil sa napipintong katapusan. Makabubuti lamang ang pag-uungkat sa nakaraan kung may bukas na yayapos sa iyo upang pawiin ang pangamba. Dahil kung wala, ang tanging magagawa ng simula ay ipaalala ang simula ng wakas.
Simulan mo kaya sa dahilan? Hindi rin pwede. Ang pinanghahawakan mo lang ay ang sino, ano, saan at kailan. Sadyang mailap ang bakit; may mga bagay na habang pilit iniintindi ay lalong nagiging mahirap maunawaan. O baka naman nasa harap mo na ang sagot. Ayaw mo lang itong paniwalaan kaya't pilit mong isinasantabi ang tanong na bumabagabag sa iyo. Hindi mo masisisi ang iyong sarili. Mahirap tanggapin na ang mga katotohanang nagpasaya sa mga araw mo ay panggagago.
Kung gayon, bakit hindi mo simulan sa ulan? Sa ulang hindi mo naman hiniling at dumating sa panahong hindi mo inaasahan. Sa ulang nagpakita sa iyong maaari kang tumingala sa langit at tumayo sa gitna ng kalsada, habang nilulunod ng mga patak ng tubig ang iyong kasuotan at mga gamit.
Tama. Sa ulan. Binago ka ng ulan.
Itinuro sa iyo ng ulan na ang mga tao sa buhay mo ay darating at aalis kung kailan nila gusto. Wala kang magagawa. Hindi mo sila mapipilit na manatili. Hindi mo sila mapipigilang lumisan. Titila ang bawat ulan. Hindi nito sasabihin kung kailan, pero mararamdaman mo ang paglumanay ng hangin at ang paghawi ng mga ulap.
Ang maiiwan ay ikaw... at isang puwang.
Ang pangungulila ay hindi nag-uugat sa paglisan, kundi sa pamamaalam. Ang isang taong pinahahalagahan mo ay maaaring magpaalam nang hindi umaalis, subalit maaari rin siyang umalis nang hindi nagpapaalam. Paunti-unti. Dahan-dahan. Patuloy ang pagtakbo ng buhay sa kanya, habang sa iyo, dumarating sa bawat araw ang kapiraso ng wakas.
Minsan tuloy, naiisip mong mas maigi pang matapos na lang ang lahat sa simula. Nang sa gayon, walang pinagkatagu-tagong text message na kailangang burahin, walang mga sandaling dapat ibaon sa limot at walang puwang na palalalimin ng pangungulila.
Nakapapagod maghintay kung kailan muling mapupunan ang puwang na tanging ikaw ang nakadarama. Mas madali itong pag-ipunan ng galit at pagkamuhi.
Pero hindi mo gagawin iyon. Hahayaan mo lang na dumaloy sa iyong pisngi ang mga luha at kahuli-hulihang patak ng ulan. Alinman ang unang maubos, ikaw ay patuloy na tatayo sa gitna ng daan.
Maghihintay. Aasa.
Dahil kahit maging balewala ka na sa isang tao, mananatili siyang importante sa iyo.
patuloy na bubuhos ang ulan ng mga alaala... ngunit di na ko mag aabala pang sumilong sa lilim ng pag asa.. dahil sa kabila ng sakit at lamig na dulot nito, patuloy ko pa ring hahanapin ang ginhawang minsa'y idinulot nito sa natuyot kong mundo..
hanggang sa muli..
Posted at 09:52 pm by liturgyOFdeath
eto tingin nila
Tuesday, August 24, 2004
whoah! exhausted na naman ang buong araw na to.. bakit ba ipinanganak pa si apruevo? (juz kiddin', hehehe.. sama no?) nah.. ibang klaseng pressure na talaga dulot nya sa kin.. pero infairness, bumabait na rin sya these past few days ah.. mukhang tinutubuan na rin ng puso..
tapos na midterm kay pareng nick.. sa wakas.. isa na lang.. kay mareng nenita na lang.. kung bakit kasi di pa pumasok nung monday eh.. yan talagang mga prof na yan.. ang galing magsalita sa mga absences ng mga estudyante.. pagdating sa kanila, ok lang.. sabagay.. ganun talaga buhay..
teka.. dami may birthday ngaun.. bday ni utol ngaun.. di ko man lang nabati..(walang hya kasi ung holdupper na un.. pati ako tinalo.. nawalan na naman ako ng phone.. no ba namang buhay to??) bday din ni eula.. crewmate ko sa BTIC.. tatawagan ko na lang mamaya.. syempre, bday din ni collective.. :((
hay.. un lang muna sa ngaun..
Posted at 11:25 pm by liturgyOFdeath
eto tingin nila
Thursday, August 19, 2004
Ang buhay ay punung puno ng twist.. pero..MGULO PA RIN?! bakit ba inde pede? u act like this pero inde naman? ang hirap! gusto mo iwasan pero parang ung ice candy na ipinagbabawal ng nanay mo dahil may ubo ka.. pero dahil gusto mo, patago kang kumakain.. parang ganun.. alam mo na di pede, bawal.. pero dahil sa satisfaction na natatanggap mo pag ginagawa mo, u still do it.. bakit ba may mga bagay na pwede naman pero di pwede? ang gulo talaga ng utak ko ngaun.. pero masaya.. gulo no? ah basta.. un..
Posted at 03:11 pm by liturgyOFdeath
eto tingin nila
Wednesday, August 18, 2004
ayowz.. narating din namin magkaklase ang crame.. di rin biro biro un.. buti na lang maaga kami dumating.. nga pala, nakakita ako ng bayabas.. hitik na hitik sa bunga.. pumuwesto na sana ako sa pagtalon kaso biglang may dumaang pulis.. miss ko na bayabas sa min.. mahal pala magpa DNA test?! buti na lang sure ako sa pinagmulan ko.. although lagi sa kin sinasabi ng ermats ko na pinulot lang daw ako sa echas ng kalabaw.. huh! ano ba yan.. tapos un.. pumunta kami sa morgue.. pinakaaantay naming part sa crime lab.. malas nga lang at wala kaming natyempuhan na patay na iaautopsy.. gayun pa man, nilibot namin ang nasabing morgue.. parang kakaiba ang feeling ko dun.. basta, di ko maexplain.. (nabubuksan na ba 6th sense ko? o nabahuan lang ako?) nyways, di pa ko nakapunta sa bday ni m10(kacrew ko un) lagot ako bukas.. eh kasi naman maaga kami dapat kay apruevo.. kuh! mawiwindang na naman ang gakulangot kong utak nyan.. tumawag pala si ermats? un lang.. hanggang sa muli..
babalik ulit si tintoy...
Posted at 11:46 pm by liturgyOFdeath
eto tingin nila
|
|
|
|
 |
|
|
"TiNToY'S HaVeN"
|
|
|
I'm Sick of Painting in Black and White. My Pen is dry, now I'm uptight. So sick of limiting myself to fit your definition. Redefine. ~Redefine~
Christina R. Lim, labing siyam na taong gulang, babae, ipinanganak noong ika-25 ng Oktubre, ng taong mil nwebe syentos otsenta y cuatro, bunso sa apat(o lima?) na magkakapatid, tubong Zambales, kasalukuyang binubuno ang ikatlong antas ng kolehiyo sa Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas sa kursong Sikolohiya, di palabasa kung kaya walang gaanong laman ang utak kundi mga bagay na bigla na lang sumusulpot mula sa kawalan. ABSOLUTELY (Story Of A Girl)Nine DaysThis is the story of a girl Who cried a river and drowned the whole world while she looks so sad in photographs I absolutely love her When she smiles
And how many days in a year? She woke up with hope but she only found tears And I can be so insincere Making her promises never for real As long as she stands there waiting Wearin' the holes in the soles of her shoes How many days disappear? You look in the mirror, so how do you choose?
Your clothes never wear as well the next day And your hair never falls in quite the same way But You never seem to run out of things to say
This is the story of a girl Who cried a river and drowned the whole world while she looks so sad in photographs I absolutely love her When she smiles
How many lovers would stay? Just to put up with this shit every day and all day How did we wind up this way? Watchin' our mouths for the words that we say As long as we stand here waitin' Wearin' the clothes of the souls that we choose How do we get there today? When we're walkin' too far for the price of our shoes
Your clothes never wear as well the next day And your hair never falls in quite the same way But you never seem to run out of things to say
This is the story of a girl Who cried a river and drowned the whole world while she looks so sad and lonley there I absolutely love her When she smiles
And your clothes never wear as well the next day And your hair never falls in quite the same way But you never seem to run out of things to say
This is the story of a girl Who cried a river and drowned the whole world And while she looks so sad in photographs I absolutely love her
This is the story of a girl Her pretty face she hid from the world! And while she looks so sad and lonely there I absolutely love her
This is the story of a girl Who cried a river and drowned the whole world while she looks so sad in photographs I absolutely love her When she smiles
When she smiles
|
|
|
 |