|
my condolences goes out to a friend.. she just lost her father last week.. mild stroke lang daw na lumala ang dahilan.. nung makita ko sya sa school, gusto ko sana sabihing "tol, welcome to the club"... kung di lang ako binatukan isa pa naming kaklase..:D and then we had the chance to talk after the chem class.. i can see that she's really in pain.. usap usap lang kami.. then sabi nya sa kin, "buti ka pa, bata ka pa nung mawala tatay mo.. at least, di mo pa alam un, di pa ganun kasakit." napatigil lang ako.. at napaisip.. usap uli.. kahit na kalahati't isa ng utak ko, lumilipad sa dako paroon.. tinatangay ng kawalan kung saan musmos pa ko.. binilang kung ilang taon ko nang di naranasan ang pagpatay ng kandila sa cake tuwing bday ko.. maraming bata sa paligid, lahat nakangiti.. at ako.. ako ang bida sa lahat.. nakasuot ng magandang magandang damit.. ang saya saya nun.. lahat nandoon.. pero di pala.. bakit wala si papa? tuloy lang.. ang saya saya.. natapos ang sandali ng tila walang hanggang kaligayahan.. syempre pa, isa lang ang hinanap ko.. ang taong syang nasa likod ng lahat ng ito.. ngunit tila isang paggising mula sa isang napakagandang panaginip, isang reyalisayon, ang hangin ay napuno ng kalungkutan.. di ko alam kung ano ang nangyari nung mga panahon na yon.. ang natandaan ko na lang ay ng mapunta kami sa lugar kung saan puting puti ang paligid pati na rin ang mga taong nakapaligid.. ngunit sa kabila niyon, alam ko.. malubha sya.. sa mismong kaarawan ko pa.. ilang araw ang dumaan.. namalayan ko na lang na nasa isang lugar kami kung saan maraming tao.. may bulaklak pa.. at nakita ko syang nakahimlay sa isang magandang kahon? tandang tanda ko pa ang amoy ng silid na yon.. dahil sa tuwng maamoy ko yun ay kasabay ng pagragasa ng mga alaala.. (ganun ako.. naaalala ko ang mga nangyari sa pamamagitan ng amoy na naamoy ko nung mangyari ang nasabing pangyayari..hehehe.. gulo ko no?) un.. enough of that.. *ting* balik sa present.. naisip ko lang.. swerte nga kaya ako dahil maaga nawala erpats ko? tingin ko inde rin.. swerte bang maituturing ung sa tuwi na lang na makikipag away ka sa kaklase mo ay wala kang maipananakot na tulad ng ganito.." kala mo ha..! isusumbong kita sa tatay ko!!" swerte nga bang maituturing yung sa tuwi na lang may project kami nun sa home economics (e.g. paggawa ng dust pan, sandok at kung ano ano pa) eh walang tatay na pwedeng magturo sa kin na ang martilyo pala ay di ginagawang parang nailcutter ng kuko..(madalas akong mapukpok ng martilyo sa kamay noon eh.. hehehe) at higit sa lahat.. swerte nga bang maituturing yung sa tuwi na lang may family day sa school ay di ka nakakaattend dahil sa wala kang tatay at ang nanay naman ay di na rin nag aabala sa pagpunta dahil di nga naman kayo kumpleto.. kung swerte ngang matatawag yun.. siguro nga'y nasalo ko na lahat nang swerte na binabanggit sa feng shui.. iba pa rin yung may nagisnan kang ama.. laging gumagabay sayo.. yung bang tipong lagi kang may inaabangan pagdating nang dapithapon.. dadalhan ng tsinelas.. magtatanong ng pasalubong... kkwentuhan ng kung ano nangyari sa school.. tapos tatanungin ka nya kung ano assignments nyo.. kung ako papipiliin.. mas gusto ko pa rin na nakasama ko pa sya ng matagal.. alam kong masakit ang oras ng paghihiwalay.. pero lahat naman lumilipas diba? gusto kong sabihin sa kaibigan ko na if i were given the chance, mas pipiliin ko ang lugar na kanya.. nawalan man siya ng ama, lilipas din ang lahat ng sakit.. pero hinding hindi ang mga magagandang alaala na naranasan nya sa piling nito.. |